Wednesday, February 4, 2009

Eroplanong papel

Nag-iingay na naman ang namamaos nang alarm clock. Pinindot ko ang snooze.
.
.
.
(Five minutes later)
.
.
.
*tiriririt tiriririt!!!*
Nag-alarm na naman. Tinignan ko ang relo. Ala-sais na!! Bale naka-24 na pindot na ko sa snooze. Dapat kaninang 4 pko gising. 7 ang pasok ko. Isang oras para kumain, isang oras para maligo, at isang oras para maglakad. Saktong 7 ang dating ko. Kaso pano to?! Isang oras na lang natitira. Bale buong isang oras ang lakad at ala na akong oras para kumain at maligo! Papasok pa ba ako? Papagalitan ako e. Kaso anong oras na? Anlayo pa ng bahay ko. Anlayo pa ng lalakarin ko.

Nag-isip ako ng paraan. Paano na? Kakaisip ay di ko namalayang tumatakbo na ang oras. Isa, dalawa, tatlong minuto ang lumipas. Nalalagas na ang oras ko. Bale 57 minutes nlang at klase ko na. Pag nalate ako ng 5 minutes ay pinaglolockan kami ng Physics teacher namin. Patay na.

Kakaisip ko ay nakatulog na naman ako. Isang oras ang lumipas. Nasilaw ako sa sinag ng araw. Napadilat at napatayo. Mejo nahilo ako sa pagkakabangon ko pero nawala din agad nang tinignan ko ang relo. 7:03 ng umaga! At hanggang ngayo'y buhol buhol pa ang buhok ko at nakapajamas pa ako. Ang mga unan ay nasa sahig na. Yung kumot nakapalipit sa katawan ko. Wala na akong ibang nagawa. Humiga na lang ako at nagmuni-muni. Iniisip kung ano kayang ginagawa ng mga kaklase ko ngayon. Ay baka nagpapalipad sila ng eroplano. Gaano kaya kalayo narating ng amin?

Eroplanong papel. Nung gumawa kami nun lagi lang malapit yung distansyang nararating e. Gawa lang sa dyaryo. Marupok. Malambot. Malalay. Sana hindi ganon mga pangarap ko. Sana mga pangarap ko gawa sa karton! Para matibay. Malayo marating.

8:00 na. Ay paboritong subject na namin to. Malamang nakatambay pa yung mga kaklase ko sa room. Mamaya pa pupunta yun. Ano kayang gagawin nila? Baka mangopya sila ng notes sa monitor nung computer. Tama. Hay wag na nga yun isipin ko.

9:00 na. Kahit mejo nakakaantok masaya siguro sila. Paano 30 minutes pa lang tapos na yung klase.

9:30. Siguro kahit mamayang 10 pa yung break may mga nagpupunta na sa one-stop para magtusok tusok ng mga egg ball, fish ball, squid ball at kalamares.

Naalala ko yung joke nung isa kong kaklase. Bakit daw di pwedeng magsama-sama sa isang pool ang mga kalbo? Kasi magmumuka silang fish ball. (Natawa ako nun ha. Share ko lang)

10:15. Tapos na siguro sila kumain. Nagreready na sa pumuputakteng bibig ng teacher namin. Maliit na bagay e pinapalaki. Simpleng bagay na nangyare mamumulaklak na bibig niya. Hay.

11:15. Sana madali lang lesson namin dito ngayon. Hay kulang na naman ako ng isang activity. Kulang na ako nun e nung nagcutting kami para sa project ng klase sa advanced biology. Kaso parang wala lang sa kanila. Ni isang "thank you" wala kaming nadinig. Iilan lang nakaalala. Yung iba nga hindi alam kung ano yung project e. *tsk*

12:15. Pyesta na naman sa room. Hotdog, manok, itlog, burger, ketchup, kare kare. Iba't ibang pagkain. Lunch na e.

Kakain na nga din muna ako. Sana hindi ako pagalitan dahil hindi ako pumasok. Pumunta na ako sa kusina upang kumuha ng pagkain. Nakasalubong ko si mama. Naghihintay ako na may sabihin siya. Pero hindi niya ko pinansin. Parang hindi niya ako nakita. Bakit kaya? Galit kaya siya? Sana hindi.

1:00 na. Ambilis. Ano kayang group activity ngayon. Nako malamang yung magaling kong kagrupo na naman ung gumawa para sa presentasyon samin. *tsk* Good luck sa kanila.

2:00. Malamang may sermon na naman sila. Titigas kasi ng ulo e. Manong pag inutusan e sumunod na lang.

3:00. Ay manonood sila ngayon ng pelikula! Synaman. Hay. Interesante pa naman ang storya.

4:00. Last subject na. Malamang maaga sila pauwiin. Synaman di ako makakasilay ngayong hapon.

Ambilis. Natapos na ang araw. Gaganun ganun lang ako e. Ganun lang pala kadali. Bakit kaya pag nagkaklase e parang antagal tagal. Parang hinahatak pabalik ung kamay sa relo.

Hanggang ngayon nakahiga lang ako sa kama. Nag-iisip. Iniisip ko yung sinabi ko kanina. Totoo nga kayang mas malayo ang mararating ng eroplanong karton? Kaso naisip ko masyadong mabigat. Makapal. Siguro nga mas ok pa din yung gawa sa dyaryo. Simple. Magaan. Malayo mararating. Depende lang sa pagtupi tupi natin. Depende lang sa pag-ayos ng araw natin. Depende lang sa pag-ayos natin sa buhay natin.

*tiriririt tiriririt!!*

Tinignan ko ang orasan. 4:00 na ng umaga. Kelangan nang kumain. Ansakit ng ulo ko. Parang maxado akong maraming inisip kagabi. Nanag-inip na naman ata ako tungkol sa mga kaklase ko. Napapadalas na yung ganun. Siguro kasi malapit na din kami magkahiwa-hiwalay. Gusto ko pa sila makasama. Gusto ko kasama ko sila sa pagpapalipad ng eroplanong papel ko.

4 comments:

  1. Siguro tinigyawat ka nung araw na iyan sa kakaisip mag-damag sa kung ano na ang ng nangyayari sa in-absent-nan mong klase.

    At saka congratz, mukang ga-graduate ka na.

    Weee. ^_^

    (Napadaan lamang ako dito kaka-click sa kung ano-anong blog na nakikita ko.)

    ReplyDelete
  2. ndi pa. next year pa kami gagraduate.

    ReplyDelete
  3. nice, san ka nag aaral?

    ReplyDelete