Monday, March 23, 2009

Mark 17

Isang Linggo, kakatapos lang ng Pastor na magmensahe sa simbahan nila.

"Sa susunod na Linggo, tungkol sa pagpapasalamat ang pag-aaralan natin. Pakibasa po ang Mark 17 bilang assignment nyo." , sabi ng Pastor.

Nung sumunod na Linggo, nandoon na uli sila. Ang Pastor tsaka ang mga taong regular na nagsisimba sa simbahang yun.

"Sino-sino ang nagbasa ng Mark 17?", tanong ng Pastor.

Lahat ng tao doon ay nagtaas ng kamay, maliban sa isa. Muka siyang goons. Gangster baga. Nakakatakot. Nagtinginan ang lahat sa kanya.

Napataas ang isang kilay ng Pastor at tinanong niya nang nakangiti yung lalaki, "Bakit hindi mo binasa ang binigay kong assignment noong isang Linggo? Bakit hindi mo binasa ang Mark 17?"

Tumingin sa kanya yung lalaki. Sumagot siya, "Sinubukan kong basahin..."

"Kaso?", tanong ng Pastor.

Pinagpatuloy niya ang sagot, "Wala akong makitang Mark 17. Hanggang Mark 16 lang."

Sunday, February 22, 2009

Excuse me, cookie ko yan.

Waw super sale sa mall. Sarap maningin. Kaso di pa din masarap mamili. Buti kung ililibre nila ako.

Sa sobrang pagod kakatingin at kakaikot sa mall, ginutom ako. Punta ko sa grocery. Naningin uli, pero ngayon naman e may balak na ako mamili. Kumuha ako ng maliit na bag ng cookies tas dumirecho na sa cashier. Binayaran ko. Mura lang naman kaya kinuha ko na. Nafeel ko parang masarap ang kape katerno ng cookies na binili ko. Punta kong Starbuck's. Naningin, tas lumabas na din. Punta kong mister donut, namili ng kape. Punta kong food court. Waw daeng tao! Daeng nakaupo, karamihan nakatambay lang di naman kumakain. Tsk ala pa atang bakante.

Ayun! May isang lamesang pangdalawahan. May isang lalakeng nakaupo. Pwede naman siguro akong makiupo sa kanya.

Muka naman siyang mabait. Ndi naman mukang aadik adik. Nagbabasa siya ng dyaryo. Ok lang daw na umupo ako. Nilabas ko yung magasin na baon ko, sakaling dumating ang oras na ito na wala akong magawa kundi kumain, tas binuksan ko kape ko tsaka sumipsip. Kumuha na ako ng isang cookie sa maliit na bag. Pagkakuha ko ng isang piraso, kumuha din ung mama ng isa! Gulat me! Pinaraos ko na baka nga naman gutom ung tao. Sige isa lang naman e. Naubos ko na ung isang piraso. Umabot na uli ako. Pagkakuha ko, aba kumuha na naman! Mukang gutom nga siya ah at nagagawa niyang kumuha. Sige pagbigyan. Naubos ko na uli ung pangalawa kong piraso. Kumuha na uli ako. Pagkakuha ko, ganun na naman kumuha na naman siya! Ay naiinis na ako ah. Sobra na siya. Isa na lang natitira dun sa bag. Ano kayang gagawin niya? Nung aabot na ako, naunahan niya ko! Kinuha niya ung kaisa isang natitira. Pagkatapos, hinati niya sa gitna, inabot sakin ung isa, tas kinain niya ung kanya. Pagkakain, tumayo siya, tinupi ung dyaryo niya, inipit sa kili-kili, tas nginitian niya ko, tas umalis. Ang kapal naman ata neto. Cookie ko yun eee!!

Nakakabadtrip naman. Yun na nga lang binili ko sa mall na yun e. Ginawa ko, sinara ko magasin ko. Uwi na ako, inis na ako. Sumbong ko siya sa nanay ko e.

Kaso, nung lalagay ko na yung magasin sa plastic bag ko, andun ung maliit na bag ng cookies na binili ko sa grocery store.

Lesson?
.
.
.
We don't thank God for some things because we always thought it is ours. :)

Thursday, February 5, 2009

Balew!

Tatahol tahol ako ngayon. Nahawa ata ako sa kaklase kong si Bebe. Nahawa siya sa kapatid niyang si Dyego. Papak na ako ng papak ng Istrepsils kaso ang kati pa din. Kung pwede lang kamutin e. *tsk*

Medyo maaga ako nakauwi ngayon. 5:30. Di ako nakasilay kanina e. Sayang. Dumating ako sa bahay, kumain agad ng hapunan. Hindi kasi ako nakakain kaninang tanghali. Masyadong madaming ginagawa. Hektik ang skedyul. Kaya 3:00 pa lang e kumukulo na ang tiyan ko. Masarap ang ulam. Burger patties, gravy, gulay. Medyo napadami kain ko. Kumain din ako ng dalawang maliliit na piraso ng saging. At dalawang kalahating pisngi ng mangga. Ok na din. Busog na.

Umakyat ako sa kwarto ko. Naghubad ng sapatos. Naghubad ng medyas. Umupo sa kama. Tumingin sa paligid. Anlaki ng kwarto ko. Tatlo ang kama. Isang queen size sa gitna. Dalawang single sa magkabilang gilid. May book shelf na puno ng libro at gamit. Tukador na puro pabango. At ang pinakamatindi, may dvd player kaso walang tv.

Sinaksak ko ang lobat kong cellphone. Nagpunta sa cabinet. Nanguha ng damit. Nagpunta sa banyo, nagbihis. Bumaba ako ng bahay. Pumunta sa dining area. Sa lamesa may dinatnan akong kahon ng tsokoleyt. Waw. Nakakatakam. Binuksan ko. Dalawang piraso na lang ang laman. Nagmamakaawa lalamunan kong wag kumain. Kating kati na siya. Kaso dahil sa kakulitan ko e inabot ko ang tsokoleyt at kinain yung dalawang piraso. Ang sarap. Waw. Imported. May macadamia pa. Agad akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig tska centrum.

Umupo ako sa lamesa. Nagbuklat ng mga notebook. May assignment pala sa chemistry, kaso wala akong periodic table. Gagawa pa nga pala ng reaction paper sa advanced biology. Makapagcomputer na nga.

Binuksan ko ang computer. Hindi ko pa alam kung ano ano ang mga ilalagay sa reaction paper. Medyo mahirap kasi pasiyahin yung teacher namin doon. Yung pelikula kasi tungkol baga sa mga clone. Naisipan ko na lang magedit ng mga picture. Kaso sa bawat pindot sa Adobe Photoshop, limang minuto ang hihintayin bago makapindot uli. Habang naghihintay ng pagkatagal tagaaaaaaaaaaal na loading sa photoshop e nadukdok ako sa keyboard. Nakatulog.

Paggising ko, tapos na magload. Tinignan ko ang orasan. Hala! 12:30 na ng umaga! Bakit kaya hindi ako ginising nina mama? Sana hindi sila magalit kasi nagpuyat ako. Tumingin ako sa paligid. Parang medyo may iba. Sa tabi ng computer ko, may isa pang computer. Kamukang kamuka. At kasinbagal din naman. Tumingin ako sa kaliwa. Yung lamesa naging dalawa, yung kahon ng tsokoleyt dalawa na din. Medyo nagsisi ako sa pagkain kanina. Edi sana pala apat na tsokoleyt ko ngayon. Sayang naman. Bumalik ako sa realidad. Tumingin ako sa kanan, yung dating apat na sofa, walo na ngayon! DVD player, tv, wii, speakers, lahat nadoble. Magkamukang magkamuka pati ung mga gasgas. Medyo nagulo din ako.

Lumabas ng kwarto si mama. Nakapantulog. Tinanong niya kung bakit gising pa ako. Parang hindi man lang siya nagulat sa doble doble naming gamit. Pinatay ko na ang dalawang computer, pinatay ang sandamakmak na mga ilaw, at umakyat sa kwarto ko. Awa ng Diyos hindi naman nadoble yung hagdan.

Pagpasok ko sa kwarto, doble din lahat, dalawang book shelves, dalawang queen size na kama, apat na single. Bawat pabango nadoble, at ang pinakamatindi, dalawang dvd player, kaso wala pa ding tv. Sa sobrang hilo sa mga nakikita ko, pumunta ako sa isa sa dalawang queen size na kama. Paghiga ko may naramdaman ako. Kakaiba. Hindi naman yung tidibir na bigay ng pinsan ko. Napatayo ako. Pagtingin ko may nakatalukbong ng kumot. Ninerbyos ako. Sino kaya to? Ndi naman umuwi ate ko. Kinalabit ko sya, sabay layo. Baka mamaya e si sadako na yun. Di siya kumibo. Kinalabit ko ulit. Mejo nakakakilabot kasi parang nairita pa. "Anu ba?" sabe nya. Pamilyar ung boses nya. Kinabahan ako. Hindi ito maaari. Tinanggal ko ang kumot. Suot nya ang paborito kong pantulog! Pambihira. Nilakasan ko na yung kalabit ngayon at sabing "Hoy pantulog ko yan bet suot mo?". Sumagot siya, "Ano ba puyat ako kakaPhotoshop ay patulugin mo nga ako!". Nagulat ako. Umikot ako sa kama. Tinignan ko ung muka nya. OMG. Parang nakaharap ako sa salamin. Kaya pala parang ako siya kung umiwas sa nanggigising. Kaya pala suot nya ang paborito kong pantulog. Kaya pala napuyat din siya kakaPhotoshop. Dumilat siya. Napasigaw kaming parehas. Nahulog siya sa kabilang dulo ng kama. Tumayo siya bigla at tumingin sa paligid. Gulat din siya tulad ko. "Sino ka?" tanong niya. "Joselle" sagot ko. "Ha? Eh ako si Joselle.". Isa lang ang pumasok sa isip ko. Sino ang tunay na Joselle? Paano kung hindi ako? Ano mangyayari? Papaalisin kaya nila ako? Susunugin kaya nila akong buhay? Pangalawang pumasok naman sa isip ko, meron din kayang kakambal sina mama? Baka magkakatabi din sila sa kama? "Hoy!" sigaw niya sakin. Di ko napansin matagal na din pala akong nakatulala. Wala na akong nagawa. Andami ko nang iniisip. Pagod ako. Wala pa akong reaction paper. Lagot na. Nawalan ako ng malay.

Nagising na lang ako sa parehas na lugar kung san nawalan ako ng malay. Napatayo ako. Lalo akong naguluhan sa nakita. Bumalik sa dati ung lahat. Isang queen size na kama, dalawang single, mga pabango, isang book shelf, isang dvd player, walang tv. Tinignan ko ang oras. 12:30 ng umaga. Nanaginip lang kaya ako? O isang buong araw nkong walang malay dito? Ano na kayang date ngayon? Anong araw kaya ngayon? Sinubukan ko nlang kalimutan ung nangyari. Naligo ako. Sinet ang alarm clock. Pinatay ang ilaw. Natulog.

Nagalarm na ung relo. Antok na antok pa ako. Bet kaya? Parang hindi pa ako nakakatulog ay. Tinignan ko ang oras. 12:30! Natakot na ako. Pambihira na to. Binuksan ko ang ilaw. Normal pa naman ang paligid. Naisip kong baka ginalaw lang ng katulong ung alarm clock ko. Pinatay ko nlang para sigurado. Bumalik na ako sa kama, natulog.

Nagising na ako. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng likod ko. Tinignan ko ang oras. 12:30! Ano yun 24 hours na akong natutulog? Anong araw ba ngayon? Wala bang pasok? Grabe na talaga to.

Lumabas ako ng kwarto, bumaba at pumunta sa kwarto nina mama. Kumatok sa pinto. Matagal tagal bago nila buksan. Nagulat sila bet umaga na e andon pko. Tinanong ko kung anong araw na ba ngayon at kung anong date. February 6 daw, Biyernes. Nagulat ako. February 5 nagsimula ang lahat. Yung pagdating ko sa bahay ng maaga, pagpapak ko ng Istrepsils, pagkain ko ng tsokolate, pagkakaroon namin ng doble dobleng gamit, pagkakita ko sa kakambal ko. Lahat ng yon sa gabi ng February 5. 6 pa lang ngayon. Birthday nga pala ni Bebe. Ano kayang nangyari? Natulog lang ba ako sa kwarto magdamag tas nanaginip ng ganon kabongga? Antindi.

Umakyat nlang ako uli sa kwarto. Isip ng isip kung anong nangyari. Pumasok ako sa banyo para maghilamos. Pagkahilamos mejo gumaan na pakiramdam ko. Kaso nung magtutuyo na ako ng muka, kinilabutan ako. Dalawa ang tuwalya, parehas ang kulay. Ano?!

Note: 1. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.
2. Noong February 5 ko pa dapat to ipopost kaso ngayon ko lang natapos.
:)

Wednesday, February 4, 2009

Eroplanong papel

Nag-iingay na naman ang namamaos nang alarm clock. Pinindot ko ang snooze.
.
.
.
(Five minutes later)
.
.
.
*tiriririt tiriririt!!!*
Nag-alarm na naman. Tinignan ko ang relo. Ala-sais na!! Bale naka-24 na pindot na ko sa snooze. Dapat kaninang 4 pko gising. 7 ang pasok ko. Isang oras para kumain, isang oras para maligo, at isang oras para maglakad. Saktong 7 ang dating ko. Kaso pano to?! Isang oras na lang natitira. Bale buong isang oras ang lakad at ala na akong oras para kumain at maligo! Papasok pa ba ako? Papagalitan ako e. Kaso anong oras na? Anlayo pa ng bahay ko. Anlayo pa ng lalakarin ko.

Nag-isip ako ng paraan. Paano na? Kakaisip ay di ko namalayang tumatakbo na ang oras. Isa, dalawa, tatlong minuto ang lumipas. Nalalagas na ang oras ko. Bale 57 minutes nlang at klase ko na. Pag nalate ako ng 5 minutes ay pinaglolockan kami ng Physics teacher namin. Patay na.

Kakaisip ko ay nakatulog na naman ako. Isang oras ang lumipas. Nasilaw ako sa sinag ng araw. Napadilat at napatayo. Mejo nahilo ako sa pagkakabangon ko pero nawala din agad nang tinignan ko ang relo. 7:03 ng umaga! At hanggang ngayo'y buhol buhol pa ang buhok ko at nakapajamas pa ako. Ang mga unan ay nasa sahig na. Yung kumot nakapalipit sa katawan ko. Wala na akong ibang nagawa. Humiga na lang ako at nagmuni-muni. Iniisip kung ano kayang ginagawa ng mga kaklase ko ngayon. Ay baka nagpapalipad sila ng eroplano. Gaano kaya kalayo narating ng amin?

Eroplanong papel. Nung gumawa kami nun lagi lang malapit yung distansyang nararating e. Gawa lang sa dyaryo. Marupok. Malambot. Malalay. Sana hindi ganon mga pangarap ko. Sana mga pangarap ko gawa sa karton! Para matibay. Malayo marating.

8:00 na. Ay paboritong subject na namin to. Malamang nakatambay pa yung mga kaklase ko sa room. Mamaya pa pupunta yun. Ano kayang gagawin nila? Baka mangopya sila ng notes sa monitor nung computer. Tama. Hay wag na nga yun isipin ko.

9:00 na. Kahit mejo nakakaantok masaya siguro sila. Paano 30 minutes pa lang tapos na yung klase.

9:30. Siguro kahit mamayang 10 pa yung break may mga nagpupunta na sa one-stop para magtusok tusok ng mga egg ball, fish ball, squid ball at kalamares.

Naalala ko yung joke nung isa kong kaklase. Bakit daw di pwedeng magsama-sama sa isang pool ang mga kalbo? Kasi magmumuka silang fish ball. (Natawa ako nun ha. Share ko lang)

10:15. Tapos na siguro sila kumain. Nagreready na sa pumuputakteng bibig ng teacher namin. Maliit na bagay e pinapalaki. Simpleng bagay na nangyare mamumulaklak na bibig niya. Hay.

11:15. Sana madali lang lesson namin dito ngayon. Hay kulang na naman ako ng isang activity. Kulang na ako nun e nung nagcutting kami para sa project ng klase sa advanced biology. Kaso parang wala lang sa kanila. Ni isang "thank you" wala kaming nadinig. Iilan lang nakaalala. Yung iba nga hindi alam kung ano yung project e. *tsk*

12:15. Pyesta na naman sa room. Hotdog, manok, itlog, burger, ketchup, kare kare. Iba't ibang pagkain. Lunch na e.

Kakain na nga din muna ako. Sana hindi ako pagalitan dahil hindi ako pumasok. Pumunta na ako sa kusina upang kumuha ng pagkain. Nakasalubong ko si mama. Naghihintay ako na may sabihin siya. Pero hindi niya ko pinansin. Parang hindi niya ako nakita. Bakit kaya? Galit kaya siya? Sana hindi.

1:00 na. Ambilis. Ano kayang group activity ngayon. Nako malamang yung magaling kong kagrupo na naman ung gumawa para sa presentasyon samin. *tsk* Good luck sa kanila.

2:00. Malamang may sermon na naman sila. Titigas kasi ng ulo e. Manong pag inutusan e sumunod na lang.

3:00. Ay manonood sila ngayon ng pelikula! Synaman. Hay. Interesante pa naman ang storya.

4:00. Last subject na. Malamang maaga sila pauwiin. Synaman di ako makakasilay ngayong hapon.

Ambilis. Natapos na ang araw. Gaganun ganun lang ako e. Ganun lang pala kadali. Bakit kaya pag nagkaklase e parang antagal tagal. Parang hinahatak pabalik ung kamay sa relo.

Hanggang ngayon nakahiga lang ako sa kama. Nag-iisip. Iniisip ko yung sinabi ko kanina. Totoo nga kayang mas malayo ang mararating ng eroplanong karton? Kaso naisip ko masyadong mabigat. Makapal. Siguro nga mas ok pa din yung gawa sa dyaryo. Simple. Magaan. Malayo mararating. Depende lang sa pagtupi tupi natin. Depende lang sa pag-ayos ng araw natin. Depende lang sa pag-ayos natin sa buhay natin.

*tiriririt tiriririt!!*

Tinignan ko ang orasan. 4:00 na ng umaga. Kelangan nang kumain. Ansakit ng ulo ko. Parang maxado akong maraming inisip kagabi. Nanag-inip na naman ata ako tungkol sa mga kaklase ko. Napapadalas na yung ganun. Siguro kasi malapit na din kami magkahiwa-hiwalay. Gusto ko pa sila makasama. Gusto ko kasama ko sila sa pagpapalipad ng eroplanong papel ko.

Wednesday, January 28, 2009

Bwena Mano

Sa isang pagkalayo-layong lugar, as in super duper uber sa layo. Sa isang "di maaninag na sulok ng mundo", makikita ang pagkaganda-gandang prinsesa. Ngunit hindi sya ang bida. Hindi lahat ng biniyayaan ng kagandahan e bida. At hindi lahat ng bida, kailangan babae.

May isang poging prinsepe, ngunit sya ay naging prinsesa. Walang nagsumpa sa kanya, wala syang kinaing mansanas na nakakatakam, walang kelangan humalik sa kanya at walang magtatangkang humalik sa kanya.

Kaarawan ng hari ngayon. Siya si King Kong the Great. Dahil siya ay mejo pinagkaitan ng magandang pangalan, tinatawag siya sa palayaw na Haring Burnek. Hindi malaman ng tao kung bakit ito ang kanyang kagustuhan samantalang mas mabango pang pakinggan ang King Kong the Great. At least yun e ingles. Tulad ng aking sabi, kaarawan ng hari ngayon. Ayaw niya ipaalam kung ilang taong gulang na siya pero bakas na bakas na sa ichura nya ang katandaan. As in bakas, sinasabi ko sa inyo. BAKAS. May tatlo siyang anak. Puro lalaki. Ang panganay ay mukang mas matanda pa sa kanya. Ang bunso naman ay parang nasa pelikulang "The Curious Case of Benjamin Button". 21 years old na siya kaso mukang 10 years old pdn. At higit sa lahat, ang paborito ni Haring Burnek, ang pangalawa. Sa tatlong magkakapatid, siya ang pinakapogi. 25 years old na siya pero mukang 24 pa lang! Mapula ang kanyang labi, mapula ang kanyang pisngi, maalasibuyas ang kutis, at kumikislap ang mga mata. Halos lahat sa kanya ay perpekto na. Lahat ng lalaki ay kinaiinggitan siya. Lahat ng babae ay nagkakandarapa para sa prinsepe. Ngunit sila ay bigo. Hindi dahil may prinsesa na ang prinsipe. Ngunit dahil prinsepe din ang nais niya! Sa ngayon ay hindi pa alam ng hari ang kanyang lihim. Maya-maya pa lang.

Ang pagkapogi-poging prinsipe ay si Prinsipe Hulyo. Ngunit ang tawag sa kanya ng mga ka-close na katulong sa palasyo ay Prinsesa Julia. Bonggang bongga. Madalas silang nagkukulong sa kwarto ni Julia at nagpapaganda. Pulbos dito, lipistik jan. Sa loob ng kanyang kwarto, siya ay isang dalagitang naghihintay ng prinsepe. Ngunit paglabas ay isang matapang na Adonis.

Sa isang mas malayong kaharian kesa sa kaharian ni Haring Burnek, may isang mas poging prinsepe kesa kay Hulyo. Kung si Hulyo ay halos perpekto, siya ay perpekto na. Ang nilamang lang ng prinsepeng nasabi ay ang pagiging tunay na lalake. Siya ang crush ni Julia. Siya si Prinsepe Fransisco Allan Manuel Estrada Macapagal Arroyo or Prinsepe Jay for short. Hindi din alam ng tao kung bakit ito ang kanyang palayaw samantalang wala man lang 'Jay' sa kanyang pangalan. Kahit letrang 'J' man lang e wala.

Walang alam ang dalawa na sila'y pagtatagpuin ng tadhana.

Ika-26 ng Enero ang kaarawan ni Haring Burnek. Bonggang bongga ang handaan. May mascot ng jollibee, mcdo, kfc, at papagawa na sila sa greenwich para kumpleto. Meron ding mga payaso. Ang handa isang platong puno ng spaghetti at isang buong fried chicken. Ang desert ay orange. Kung gusto ng iba ay pwedeng kumuha ng mini hotdogs na may marshmallow. Ganap na alas-otso gaganapin ang handaan. Halos lahat ng kaharian ay pupunta.

9:00 na ngunit wala pa din si Hulyo. Pinatawag na ito ni Haring Burnek sa isa sa mga katulong. Siya ay pinuntahan sa kwarto at natagpuang natutulog nang nakadamit babae. May hair extensions, makapal na blush-on at mamahaling night gown. Nagulat ang katulong ngunit wala na siyang oras kaya't ginising na niya ang Prinsesa at pinapunta sa salu-salo. Hindi na din naalala ang kanyang ichura, dali dali siyang tumakbo patungo sa Crown Royale kung saan gaganapin ang birthday. Dinatnan niya ang receptionist na may sinusulat at nagtanong "Saan po ba ang party ng ama kong hari?". Nagtaka ang receptionist at sinabing, "Ang tanging haring may kaarawan ngayon ay walang anak na babae. Baka ikaw ay nagkakamali.". Sa sandaling iyon ay nawalan siya ng hininga. Hindi na siya makakabalik sa kanilang palasyo. Isang poging lalaking tumutugtog ng piano sa may ilalim ng hagdan ay lumapit at nabighani sa kagandahan ng babaeng nakita. Mapupulang labi, mapupulang pisngi, maalasibuyas na kutis at makikislap na mata. Siya ay napatulala at sinabi sa receptionist, "Maaari siyang sumali sa salu-salo sapagkat siya ay gf ko.". Nahulog ang baba ni Julia. Hindi makapaniwala sa nadinig at ngayo'y hindi alam kung pano sasabihing hindi siya tunay na babae. Ngunit isa na ito sa kanyang mga pangarap. Ang maging prinsepe si Prinsepe Jay. Sa kabila ng suot na night gown, sila ay sumakay sa elevator at nagpunta sa kaarawan ng hari.

Sinalubong ni Haring Burnek si Prinsipe Jay kasama si Julia. Nagulat ang hari dahil kamukang kamuka ni Julia ang anak na si Hulyo. Pinakilala siya ni Jay at sabing "Ito po ang gf ko.". Napakanganga na naman si Julia.

Ilang oras ang lumipas, hindi pa din dumadating ang hinihintay na si Prinsepe Hulyo. Sa takot ng katulong na inutusan ng hari, siya ay nagtago na. Natapos ang kaarawan walang Hulyo ang dumating.

Inuwi ni Prinsepe Jay si Prinsesa Julia sa kanilang kaharian at inayang magpakasal.

.
.
.
.
.
.
Ano ang nangyari? Mula nang kaarawan ni Haring Burnek ay hindi na bumalik si Hulyo at pagkatapos ng kasal nina Jay at Julia, nabalitaang inatake sa puso ang prinsepe.


Paunawa: Hindi lahat ng 'fairytales' ay happy ending. At hindi lahat ng happy ending ay fairytale. :)