Sunday, February 22, 2009

Excuse me, cookie ko yan.

Waw super sale sa mall. Sarap maningin. Kaso di pa din masarap mamili. Buti kung ililibre nila ako.

Sa sobrang pagod kakatingin at kakaikot sa mall, ginutom ako. Punta ko sa grocery. Naningin uli, pero ngayon naman e may balak na ako mamili. Kumuha ako ng maliit na bag ng cookies tas dumirecho na sa cashier. Binayaran ko. Mura lang naman kaya kinuha ko na. Nafeel ko parang masarap ang kape katerno ng cookies na binili ko. Punta kong Starbuck's. Naningin, tas lumabas na din. Punta kong mister donut, namili ng kape. Punta kong food court. Waw daeng tao! Daeng nakaupo, karamihan nakatambay lang di naman kumakain. Tsk ala pa atang bakante.

Ayun! May isang lamesang pangdalawahan. May isang lalakeng nakaupo. Pwede naman siguro akong makiupo sa kanya.

Muka naman siyang mabait. Ndi naman mukang aadik adik. Nagbabasa siya ng dyaryo. Ok lang daw na umupo ako. Nilabas ko yung magasin na baon ko, sakaling dumating ang oras na ito na wala akong magawa kundi kumain, tas binuksan ko kape ko tsaka sumipsip. Kumuha na ako ng isang cookie sa maliit na bag. Pagkakuha ko ng isang piraso, kumuha din ung mama ng isa! Gulat me! Pinaraos ko na baka nga naman gutom ung tao. Sige isa lang naman e. Naubos ko na ung isang piraso. Umabot na uli ako. Pagkakuha ko, aba kumuha na naman! Mukang gutom nga siya ah at nagagawa niyang kumuha. Sige pagbigyan. Naubos ko na uli ung pangalawa kong piraso. Kumuha na uli ako. Pagkakuha ko, ganun na naman kumuha na naman siya! Ay naiinis na ako ah. Sobra na siya. Isa na lang natitira dun sa bag. Ano kayang gagawin niya? Nung aabot na ako, naunahan niya ko! Kinuha niya ung kaisa isang natitira. Pagkatapos, hinati niya sa gitna, inabot sakin ung isa, tas kinain niya ung kanya. Pagkakain, tumayo siya, tinupi ung dyaryo niya, inipit sa kili-kili, tas nginitian niya ko, tas umalis. Ang kapal naman ata neto. Cookie ko yun eee!!

Nakakabadtrip naman. Yun na nga lang binili ko sa mall na yun e. Ginawa ko, sinara ko magasin ko. Uwi na ako, inis na ako. Sumbong ko siya sa nanay ko e.

Kaso, nung lalagay ko na yung magasin sa plastic bag ko, andun ung maliit na bag ng cookies na binili ko sa grocery store.

Lesson?
.
.
.
We don't thank God for some things because we always thought it is ours. :)

3 comments:

  1. I'ha (or I'ho), di ba't ikaw 'ata ang ADIK imbes na yung Ma'ma yung ADIK? Bakit naman hinayaan mong kumuha ng cookies yung Ma'mang iyon? Alam kong alam mo yung kasabihang "Don't talk to strangers", nakakatawang isipin, siguro no-choice ka lang nun kaya hinayaan mo lang.

    Kung LOLO yun maiintindihan ko pa at hahayaan kong kumuha lang ng bwiskit, e pero Ma'ma iyon e, lakas ata ng trip niya. HAHAHA. Uto-uto tuloy kinalabasan mo. HAHAHA

    (Napadaan lamang. Babasahin ko na lahat articles sa blog mo, para one-stop drop by. Kawawa 'aman walang mga kumentador, kasi di mo nilalagyan ng "tags" post mo, kaya di masyado makita ng mga bloggers. "Kapag di makita walang bibisita.")

    ReplyDelete
  2. salamat sa pagcocomment pero sasabihin ko lang po na hindi makatotohanan yan. gawa gawa ko lang para makapagbigay ng makatuturang mensahe. tsaka di mo ata naintindihan yung storya e. tsk. ok lang sakin kahit walang magcomment o magbasa. salamat uli.

    ReplyDelete